13

May 7, 2021 @ 19:54
By

Prince William, Kate vlogger na!

Nakiuso na rin ang mag-asawang Prince William at Kate Middleton at nagbukas ng kanilang YouTube channel.

Ngayong May 7 inanunsyo ng dalawa ang kanilang YouTube channel na “The Duke and Duchess of Cambridge” sa may 25-segundong video, kung saan ipinasilip nila ang kanilang royal life.

“Welcome to our official YouTube channel!” sabi ng mag-asawa.

Babala ni Prince William sa misis, “Be careful with what you say now because these guys, they’re filming everything!”

Nireplayan ito ni Kate ng, “I know!”

Mayroon na itong 2.4 million views.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?