58
Prince-Philip
By

Prince Philip ng Britanya, ooperahan sa balakang

Naka-admit sa isang ospital sa London ang 96-anyos na asawa ni Queen Elizabeth II na si Prince Philip para sa nakatakdang operasyon nito sa balakang, ayon sa Buckingham Palace.

Pumasok sa King Edward VII Hospital ng hapon ang prinsipe para sa operasyon ng Miyerkoles.

Tumanggi naman ang mga opisyal na magbigay ng iba pang detalye hinggil sa operasyon.

Inanunsiyo noong Mayo ni Prince Edward na titigil na siya sa public duties matapos ang dekada niyang royal service.

Hindi na nakadalo sa ilang public events si Prince Philip maging sa nakaraang Easter Sunday church service sa Windsor dahil umano sa pananakit ng balakang nito.

Ang hindi magandang lagay ng kalusugan ng prinsipe ay nagsimula kung kailan magkakaroon na ng ikatlong anak sina Prince William at Kate habang ikakasal naman sina Prince Harry at American actress Meghan Markle sa Mayo 19 sa Windsor Castle.

Magdiriwang sina Prince Philip at Queen Elizabeth ng ika-70 nilang wedding anniversary sa Nobyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?