46

By

Prince Harry, Meghan todo honeymoon sa Ireland

Pagkatapos ng kanilang mini-honeymoon sa Canada, tinuloy ng Duke and Duchess of Sussex na sina Prince Harry and Meghan Markle ang kanilang official honeymoon sa Ashford Castle in Cong, Co Mayo, Ireland.

Close to the public ngayon ang naturang castle at napapaligiran ito ng heavy security sa lahat ng road at back lanes na patungo sa castle.

Ang 800-year-old Ashford Castle ay paboritong puntahan ng mga royalty at celebrity para sa kanilang bakasyon. Madalas ding maganap ang mga wedding reception sa naturang castle.

Voted ito as the Best Hotel in the World noong 2015 at located ito sa 350 acre estate on the edge of Loch Cong sa Mayo countryside.

Hindi na raw kailangan pang lumabas at lumayo ng castle nila Prince Harry and Meghan dahil kumpleto sa mga amenity ang lugar including horse riding, fishing, falconry and shooting. Meron ding golf course, cycling at kayaking.

Para naman sa ayaw ng outdoor activities, equipped ang castle ng sarili nitong spa at malaking cinema. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?