28
Prince Harry, Meghan Markle, most influential people sa internet
By

Prince Harry, Meghan Markle, most influential people sa internet

Pasok sa listahan ng most influential people sa internet ang mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle, base sa 5th annual rundown ng Time magazine.

Ito ay dahil nakakuha sila ng 9 million followers sa kanilang binuong Instagram (IG) account ng mag-asawang Duke at Duchess of Sussex na nag-ingay at nambulabog sa social media kahit na bago pa lang sila sa IG na nagsimula noong Abril.

Kasama din sa listahan sina Ariana Grande, ang South Korean group na BTS, Lil Nas X at si President Donald Trump.

Bukod naman kina Prince Harry at Markle, nadagdag din sa listahan sina US Rep. Alexandria Ocasio-Cortez, vlogger na si James Charles at si Chris Godfrey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?