41

Prince Harry, Meghan Markle ikakasal sa Mayo 19

Nakatakdang ikasal sa Mayo 19, 2018 sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle sina Prince Harry at Meghan Markle.

Ang Windsor Castle, sa kanlurang bahagi ng London, na pagdarausan ng kasal ay isa sa mga bahay ni Queen Elizabeth II.

Kaparehong makasaysayan ang 15th-century chapel na St. George’s gaya ng Westminster Abbey, kung saan ikinasal ang kuya ni Prince Harry na si Prince William at Kate Middleton noong 2011, ngunit mas ‘intimate’ ito.

Matatandaang inanunsiyo ng magkasintahan ang kanilang engagement noong nakaraang buwan matapos ang mahigit isang taon na relasyon.

Nagkakilala ang 33-anyos na prinsipe at ang 36-anyos na American actress na si Markle sa pamamagitan ng kanilang kaibigan noong 2016.

Magiging kumplikado naman ang naturang petsa ng kasal kay Prince William dahil presidente siya ng English Football Association, at ang Mayo 19 ang araw ng FA Cup final, na isa sa pinakamalaking English soccer games ng taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?