25

By

Prince Harry, Meghan ipinasyal ni George Clooney gamit ang private jet

Dinala umano ng aktor na si George Clooney ang mag-asawang sina Prince Harry at Meghan Markle sa Lake Como home nito sa Italya.

Ayon sa report ng Us Weekly, nagbigay ng imbitasyon si Clooney at misis nitong si Amal Alamuddin sa bagong kasal na pinaunlakan naman ng dalawa.

Para masiguro umano ang seguridad ng Royal couple, inihatid niya ito sa pamamagitan ng kanyang private jet at ineskortan patungo sa kanyang bahay.

Ang Villa Oleandria ni Clooney ay ginamit na set noon sa pelikulang “Ocean’s Twelve”.

Mayroon itong 25 na kuwarto, isang pizza room, tennis courts, swimming pool at gym.

Matatandaang naging bisita rin sina Clooney at Alamuddin sa kasal nina Prince Harry at Markle noong May 19 sa Windsor Castle. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?