By

Prime Minister Abe balik Japan na

Sharing is caring!

Nagbalik-Japan na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos dumalo sa dalawang araw na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings.

Alas-11:20 ng umaga nang lumipad mula sa NAIA ang eroplanong sinakyan ni Abe.

Pinangunahan naman ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang send-off party para kay Abe.

Sa Clark International Airport sa Pampanga lumapag si Abe noong Linggo ng hapon.

Ang iba pang world leaders na umalis ay mula sa Timor Leste, New Zealand, Singapore, Malaysia, Myanmar, Cambodia, South Korea at European Union. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?