24

Oct 10, 2017 @ 13:12

Primary suspect sa Atio slay case, balik Pinas na

Nakabalik na sa bansa ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ni UST law student Horacio “Atio” Castillo ilang linggo matapos pagtatago sa Estados Unidos.

Dumating sa bansa si Ralph Trangia, miyembro ng Aegis Fraternity, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-11:40 a.m. sakaya ng EVA Air BR271.

Kasamang dumating ng suspek ang kanyang inang si Rosemarie, na kanyang nakasama sa Chicago. Sinalubong sila ng mga airport security personnel at mga miyembro ng Manila Police District. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?