65
views

By

Pride March sa Marikina, binulabog ng anti-gay group

Sharing is caring!

Ilang Pinoy at banyaga na mga miyembro umano ng conservative religious organization ang naglunsad din ng sariling protesta sa ginanap na 2018 Pride March and Festival sa Marikina ngayong Sabado.

Nagbarikada ang grupo sa labas ng Marikina Sports Center kung saan ginaganap ang festival.

Gumamit ang mga ito ng placards na may nakasulat na, “It’s not okay to be gay”, “Bawal kasalanan magsisi kayo” at “God will judge you” na humalo sa floats at flaglets na may kulay na rainbow ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community.

Nag-alisan din ang anti-gay group matapos silang isnabin ng libo-libong LGBT na nagpatuloy lang sa pagwagayway ng makukulay nilang banners na may nakasulat namang, “Homosexuality is not a sin, but homophobia is”.

Ang martsa ay taunang pagsasama ng mga miyembro ng LGBT para ihayag ang kanilang saloobin at para manawagan sa equal rights. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?