15

By

Price monitoring iniatas sa mga mayor, LGU sa Metro Manila

Sharing is caring!

Para matiyak na walang magsasamantala, inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Metro Mayor at iba pang local government unit na tumulong sa pagbabantay sa presyo ng mga bilihin sa kanilang nasasakupan.

Bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno na mapigilan ang mas pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin sa harap ng mataas na inflation.

Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo na naglabas ng memorandum circular ang DILG na nag-oobliga sa mga alkalde na tulungan ang national government para i-monitor ang presyo ng mga bilihin sa mga palengke.

Inatasan din ng DILG ang mga alkalde na muling buhayin ang local price coordinating council para matiyak na hindi sumosobra ang presyuhan ng mga bilihin partikular ang karne,isda gulay at iba pa.

“In this memorandum is enumerated the different functions expected of the local government units and we have likewise address the Metro Manila mayors during a special meeting of the Metro Manila Council hosted by Chairman Danny Lim, that the LGUs are the ones who can really help the national government in monitoring prices particularly of agricultural products in their respective localities,” ani Castelo.

Hiniling din ng DTI ang tulong ng mga market administrator sa Metro Manila para maging partner sa pagmonitor ng mga presyo ng produktong agrikultura para matiyak na hindi nagsasamantala ang mga tindero sa palengke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?