price-hike2
By

Price hikes, bumulusok noong Abril – PSA

Sharing is caring!

Naging mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa ulat, 4.5 porsiyento ang naitalang inflation rate noong nakaraang buwan mula sa 4.3 porsiyento noong Marso at higit ito sa inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Samantala, 3.2 porsiyento ang naitala noong Abril 2017.

Ayon pa sa PSA, nagsimulang tumaas ang presyo ng mga bilihin noong nakaraang Pebrero base sa naitalang 3.9 porsiyento at ito na ang pinakamataas sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Lumabas na nagmahal ang mga produktong pang-bisyo o ‘sin products’ tulad ng alak at sigarilyo, gayundin ang damit, renta sa bahay, tubig, kuryente, mga produktong petrolyo at maintenance sa bahay.

Gayundin ang ginagastos para sa kalusugan, transportasyon, maging ang pagkain sa restaurants.

Sa mga nabanggit na gastusin, ang presyo ng mga bisyo ang nakapagtala ng pinakamalaking pagtaas sa presyo sa 20 porsiyento kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Nanatili naman ang presyo ng halos lahat ng bilihin sa Metro Manila base sa naitalang 5.2 percent average noong Marso, ngunit mataas pa rin ito sa apat na porsiyento noong Abril 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?