14

By

Price freeze sa mga pang-Noche Buena tiniyak ng DTI

Sharing is caring!

Nakakuha na ng garantiya mula sa mga gumagawa ng ilang Noche Buena good na hindi na sila magtataas ng presyo hanggang sa katapusan ng taon.

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na gagalaw ang presyo ng sandwich spread, mayonnaise, fruit cocktail, pasta, keso at keso de bola.

Dagdag pa ng kagawaran, tiniyak din sa kanila ng mga manufacturer na may sapat na supply ng mga karaniwang inihahanda sa Noche Buena maging sa Media Noche para naman sa pagsalubong sa bagong taon.

Una nang naglabas ang DTI noong Oktubre ng suggested retail price (SRP) sa ilang Noche Buena item, na ang ilan ay nagkaroon na ng pagtaas sa presyo.

Samantala, hanggang P0.60 naman ang maaaring madagdag sa presyo ng mga de-latang sardinas at ayon sa DTI maglalabas sila ng SRP para sa ilang brand ng sardinas.

Ikinatuwiran ng mga manufacturer ng sardinas ang mataas na halaga ng mga raw material, petrolyo, pasahod at ang mahinang halaga ng piso kontra dolyar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }