16
albay
By

Price freeze sa mga lugar na binagyo, iginiit

Sharing is caring!

Hinimok ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao si Agriculture Sec. Emmanuel Piñol na iutos ang price freeze sa mga lugar na apektado ng bagyo sa Northern at Central Luzon.

Sinabi ito ni Casilao matapos magbabala si Piñol na posibleng tumaas pa ang presyo ng mga bilihin epekto ng bagyong Ompong.

Para kay Casilao, pagiging insensitive ito sa panig ng kalihim.

“Instead of simply warning of possible further price increases, the DA in coordination with the trade department should order the freezing of prices in typhoon-hit areas in anticipation of the effect of Typhoon Ompong. This is to prevent unscrupulous traders from exploiting the situation,” sabi ni Casilao.

“With the coming effects of Typhoon Ompong to properties and livelihoods, it is only just to call for a price freeze. Controlling the prices of basic goods especially in times of calamity is as important as preparing the people for the upcoming natural calamity. The Duterte government should order the DA, DTI and other concerned agencies to also prioritize controlling the prices of basic goods,” dagdag ng kongresista.

Ayon sa United Nation Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN OCHA), tinatayang nasa

1.9 milyong indibidwal sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao ang maapektuhan sa pagtama ng bagyong Ompong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?