25

Jan 16, 2020 @ 18:16
By

Price control sa gamot suportado

Suportado ni Senior Citizens Party-list Rep. Jun Gamboa-Datol ang pagpapataw ng price control sa mga gamot, dahil naniniwala siyang wala itong silbi kung hindi rin naman ito kayang bilhin ng mga tao.

Magiging makatwiran aniya ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of Health (DOH) kung magtatakda ng price control sa mahahalagang gamot.

“Their actions will not kill the industry,” giit pa ni Datol.

Ayon sa mambabatas, hindi uubra ang taktika ng pananakot ng pharmaceutical companies na maaring tuluyang magsara ang mga small at medium-sized drug store kapag magtatakda ng price control sa ilang gamot.

Una nang sinabi ng Pangulo na lalagdaan niya ang isang executive order para ibaba ang mga tinuring na life-saving medicine, tulad ng gamot para sa mataas na cholesterol, diabetes, at hypertension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?