47
cynthia-villar
By

Price ceiling sa sibuyas iginiit ni Villar

 

Iginiit ni Senador Cynthia Villar kay Agriculture Secretary Manny Piñol na magtakda na ng price ceiling sa sibuyas sa ilang lugar sa bansa.

Kasunod ito ng report na napakataas ng presyo nito sa ilang piling lugar.

Ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, price ceiling ang itatakda at hindi naman price control kung saan kailangan pa ng deklarasyon ng state of calamity.

“’Yan ang problema natin. Ayaw ninyong maglagay ng price ceiling. Iba ‘yung price control sa price ceiling,” din ni Villar.

Sa kaniyang impormasyon, P120 pataas ang presyo ng sibuyas sa ilang lugar.

Sa public hearing ng Senado kanina, sinabi ni Piñol na iniharap niya ang ideya sa mga economic manager ng Malacañang pero hindi pumayag dahil hindi raw iyon ang magpapababa ng presyo.

Dahil dito, iniutos naman umano ni Piñol ang importasyon ng mas maraming suplay para raw mapababa ang presyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?