38

Jun 4, 2018 @ 13:25
By

Presyuhan ng langis, dapat himayin – solon

Sinang-ayunan ni 1-CARE Partylist Rep. Carlos Roman Uybaretta ang plano ng Department of Energy (DOE) na maglabas ng patakaran para sa unbundling o paghimay sa mga presyo ng produktong petrolyo

Sabi ni Uybaretta, vice chairman ng House committee on energy, dapat naman talagang transparent ang presyuhan ng langis mura man o mahal ang halaga nito.

Kung meron aniyang breakdown, malalaman ng publiko kung bakit mataas ang presyo ng kinokonsumo nilang gasolina, diesel at kerosene.

Ito’y dahil malalagay na sa resibo kung kailan inangkat ang langis, ang binayarang excise tax, foreign exchange adjustments, refining cost at distribution cost gaya ng nilalagay sa bill ng kuryente.

“Fuel price transparency is an absolute necessity whether fuel prices are high or low because full public disclosure, similar to what is happening in the Philippine stock exchange and in the unbundled electricity rates, is what ought to happen with fuels,” ani Uybaretta.

“Filipino must know why the fuel they buy costs so much,” dagdag ng kongresista.

Ayon sa mambabatas, napapanahon nang ipatupad ang fuel price transparency policies sa Pilipinas dahil matagal na itong ginagawa sa maraming bansa.

“Fuel price transparency policies and processes have been in place in other countries for years now. It has taken so long for this to come to our shores. It is long overdue. The time for it has finally come,” sabi ni Uybaretta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?