135
Big-time rollback sa presyo ng langis ilalarga
Oct 12, 2019 @ 17:27
By

Presyo sa mga produktong petrolyo tataas, bababa sa Martes

Matapos ang dalawang linggong sunod na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, may nakaambang dagdag-presyo sa gasolina, habang may bawas naman sa diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Base sa taya ng Department of Energy (DOE), P0.20 hanggang P0.30 sentimos kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel, at kung mayroon mang itong pagtaas ay nasa P0.10 sentimos kada litro ang dagdag.

Samantala, bababa ang presyo ng kerosene mula P0.35 hanggang P0.45 sentimos kada litro.

Posibleng sa Linggo ianunsyo ng ilang mga kompanya ng langis ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Para naman sa tinaguiang Big 3–Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Caltex Philippines–inaasahang sa Martes ng umaga sila magpapatupad ng dagdag/bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?