76

Jan 17, 2021 @ 16:06
By

Presyo ng Sinovac amoy korapsiyon – Ping

Nangangamoy ‘tong-pats’ ang lumulutang na presyo ng bakuna ng Sinovac sa Pilipinas, kumpara sa presyo nito sa ibang bansa.

Ito ang siyang sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kung ang pagbabatayan aniya ang $5 kada turok na presyo sa ibang mga bansang naunang nakipagtransaksiyon sa kumpanya para masigurado ang suplay at sa $38 (mahigit P1,800) per dose na ibinabalitang presyo sa Pilipinas.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos iulat ng Bangkok Post na batay sa mga datos ng World Health Organization (WHO) at mga manufacturer na nagsasabing $5 lamang ang presyo ng bawa’t dose ng Sinovac.

Ayon sa senador, ababang-mababa ito kumpara sa naunang isinumite ng Department of Health (DOH) sa Senate Committee on Finance sa deliberasyon noong Nobyembre sa pambansang badyet na pumapatak sa P3,629.50 ang halaga ng dalawang turok ng nabanggit na bakuna.

“The difference in prices of Sinovac vaccine at US$5, US$14 and US$38 reminds me of an old story about how corruption is committed in three Southeast Asian countries – UNDER the table, ON the table, and INCLUDING the table,” pahayag ni Lacson sa kanyag Twitter.

“Here, it may cost $38.50 (P1,847.25) per dose but is covered by a Confidentiality Disclosure Agreement,” dugtong pa nito.

Sa nakaraang pagdinig ng Senate Committee of the Whole vaccination plan ng gobyerno, napuna na rin ng mambabatas ang mistulang pagpili na ng mga tagapagpatupad nito sa Sinovac, na maaaring maging dahilan ng haka-haka tungkol sa katiwalian.

Government to government (G2G) ang dapat umiral na transaksiyon, pero inamin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na direkta siyang nakikipagnegosasyon sa opisyal ng Sinovac Biotech Ltd. na nakabase sa Hong Kong. Ang Sinovac ay isang pribadong kumpanyang nakabase sa Beijing.

“May track record sila nanunuhol. Bakit doon tayo nagpupumilit makikipagusap?” sabi ni Lacson sa DWIZ nitong Sabado.

“Considering all these, can we blame the lawmakers and even our countrymen why they express suspicion in the government’s vaccination program?” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?