521
Inom mas okay kaysa yosi - Duterte
Dec 27, 2019 @ 15:20
By

Presyo ng sigarilyo, alak, tumaas sa Kapaskuhan

Sa Enero pa ulit tataas ang buwis sa mga sigarilyo ngunit nag-umpisa nang tumaas ang mga presyo ng mga ito.

Sa Alabang public market, P100 na ang minahal ng isang ream ng sigarilyo bago dalawang araw bago mag-Pasko samantalang sa Enero pa magiging epektibo ang mas mataas na buwis sa sigarilyo.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, itataas na sa P37.50 kada kaha ang buwis sa sigarilyo simula Enero 2020.

Unang tinaas sa P22.50 ang buwis sa isang kaha ng sigarilyo nung Enero 2018 at muli itong tinaas sa P35 nung July 2018.

Sampung kaha ang laman ng isang ream kaya’t P375 ang itataas ng isang ream ng sigarilyo pagpasok ng Enero.

Nagmahal na rin ng P40 ang isang case ng gin sa Alabang public market. Ang dating P960 na isang case ng gin bilog ay nasa P960 lamang ngunit nagmahal na ito sa P1,000 dalawang araw bago pa mag-Pasko.

Hindi kasama ang alak sa TRAIN ngunit kasama ito sa bagong SIN taxes na nilalatag ng Kamara at senado para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa bagong SIN taxes, muling magmamahal ang buwis sa mga alak at sigarilyo at papatawan na rin ng buwis ang e-cigarettes at vape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?