abante-tnt-vismin-school-supplies
By

Presyo ng school supplies, tumataas na

Sharing is caring!

Tumaas na agad ang mga presyo ng school supplies sa mga pangunahing pamilihan, ilang linggo pa lang bago magsimula ang buwan ng Hunyo.

Ito ang agad na ibinalita ng Department of Trade and Industry (DTI), na hindi umano maiwasan ang agarang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa school supplies gaya ng mga notebook, pad paper, at iba pang gamit dahil sa taas ng demand nito.

Nabatid na noon pang nakaraang taon ay nagtaas na ng presyo ng mga papel na gagamitin para sa school supply at mas umangat pa ngayong malapit na ang pasukan, para sa school year 2018-2019 dahil sa pagmahal ng raw materials mula sa ibang bansa at apektado rin ito sa paggalaw ng piso kontra dolyar.

Kabilang na rito ang presyo ng mga notebooks, pad papers at iba pang paper materials na kung saan ang presyo ng notebook ay nasa P9 hanggang P12, branded notebooks sa P12 hanggang P34, Grade 1 to 4 pad paper ay P6 hanggang P42 at Intermediate pad sa presyong P13 hanggang P32 na kasalukuyang presyo sa Divisoria.

Dagdag pa ng DTI, mayroon namang mga school supply na hindi nagbago ang presyo tulad ng lapis nasa P12 hanggang P16.50 (3 piraso kada pack), ballpen nasa P5 hanggang P10.50 kada piraso, crayons nasa P12 hanggang P69.75, eraser nasa P5 hanggang P15 kada piraso, sharpener nasa P8 hanggang P34, ruler ay nasa P10 hanggang P33.

Depende naman sa klase ang mga school bag na may presyong P100 hanggang P350, sa mga bibili naman ng uniporme, nasa P100 hanggang P250 ang pang-itaas habang P150 hanggang P250 naman ang pang-ibaba, depende sa size at kalidad ng tela na posible ring tumaas.

Samantala, ibinida naman ng DTI na naglaan sila ng ‘Diskwento Caravan.’ para sa mga nais makabili ng school supplies na may 50 porsiyentong diskuwento na sulit sa budget para sa pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?