166

By

Presyo ng school supplies sunod sa SRPs – DTI

Sa pangkalahatan ay walang paglabag sa suggested retail price (SRP) ang mga gamit pang-eskuwela sa Divisoria at Recto, Maynila, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Ibinahagi pa ni Lopez na mas mababa ng P2 hanggang P4 ang presyo ng ilang basic school supplies sa Divisoria kumpara sa mga bookstores sa Recto.

Sinabi pa ng kalihim na base sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) sa toxic content ng mga gamit-pangeskuwela, may ilang brand ng crayons at watercolor ang nagtataglay ng mataas na antas ng kemikal na delikado sa kalusugan ng mga mag aaral.

Aniya inirekomenda na nila ng FDA ang pag-alis ng mga ito sa merkado para sa mas masusing pagsusuri at matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

“Generally, results of our monitoring reflect that manufacturers and retailers comply with the SRPs and conform to quality and safety standards. This means that quality school supplies are available to consumers at affordable prices, even those that are sold in small outlets,” ani Lopez.

Dagdag pa nito na para matiyak na sumusunod ang mga establismento sa itinakdang presyo maging ng mga pangunahing bilihin, pinalawak nila ang kanilang price monitoring coverage sa 1,210 negosyo sa buong bansa at kalahati nito ay sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?