ABANTE fuel oil petrolyo gas price increase
By

Presyo ng produktong petrolyo tataas ngayong linggong ito

Sharing is caring!

Mas mararamdaman na ng mga motorista ang epekto ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa inaasahang muling pagtaas ng presyo ngayon linggo.

Sa pagitan ng P0.80 hanggang P0.90 ang madaragdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina at maglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.50 ang halaga ng bawat litro ng krudo.

Samantala, P0.40 at P0.50 din ang maaring ipatong sa bawat litro ng kerosene.

Ang pagtaas ay bunga nang pagtaas na rin ng presyo ng mga imported na petrolyo.

Kapag idadagdag na ang excise tax, ang maaring maging pagtaas sa presyo ng gasolina ay hanggang P3.87 bawat litro, samantalang hanggang P3.30 naman sa kada litro ng krudo.

Kadalasan na tuwing araw ng Martes nagpapatupad ng taas-presyo ang mga kompaniya ng langis. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?