114

Nov 6, 2017 @ 16:44
By

Presyo ng petrolyo tataas na naman

Masamang balita sa mga motorista.

Inihayag ng mga kumpanyang Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum at Flying V na magtataas sila ng P0.90 ang presyo ng bawat litro ng kanilang gasolina na epektibo sa Martes, Nobyembre 7.

Bukod diyan, tataas din ng P0.55 ang presyo kada litro ng diesel at P0.75 sa presyo ng kerosene.

Mag-uumpisa ang mas mataas na presyo ng Flying V sa 12:01 ng madaling araw, habang lahat ng iba pa ay mag-uumpisang magtaas ng singil alas-6 ng umaga.

Ito ang ikatlong linggo ng pagtataas ng presyo ng petrolyo.

Dahilan nito ang pagtataas ng presyo ng petrolyo sa world market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?