76

Oct 30, 2017 @ 15:01

Presyo ng petrolyo tataas muli

Tataas na naman ang presyo ng petrolyo.

Sa Martes, Oktubtre 31, tataas ng P0.25 ang presyo ng bawat litro ng gasolina, P0.25 din ang itataas ng presyo bawat litro ng diesel at P0.45 ang idaragdag sa presyo ng kerosene.

Epektibo sa alas-6 ng umaga ang pagtataas ng presyo ng Shell, Phoenix Petroleum, Seaoil at PTT Philippines.

Sa 12:01 ng madaling araw naman uumpisahan ang mas mataas nang presyo ng Flying V.

Noong nakaraang linggo, araw ng Martes din, nagtaas ang presyo ng petrolyo.

Nagtaas noon ng P0.65 ang presyo bawat litro ng gasolina, P0.35 ang nadagdag sa presyo kada litro ng diesel at P0.55 ang naging dagdag sa presyo ng bawat litro ng kerosene. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?