142

Jan 1, 2018 @ 18:10
By

Presyo ng petrolyo tataas muli sa Martes

Hindi pa ipinapatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law pero magsisimula na ang pagtaas ng presyo ng petrolyo simula bukas, araw ng Martes

Ito ay bunsod umano ng paggalaw ng presyo sa world market.

Tataas ng P0.75 ang presyo kada litro ng kerosene habang P0.65 ang itataas ng presyo ng diesel.

Bente sentimos (P0.20) naman ang itataas ng presyo ng gasolina.

Magkakatalo lang ang mga kumpanya ng petrolyo sa oras ng lag-uumpisa ng mas mataas na presyo.

Ang SeaOil, PTT Philippines at Shell ay magtataas ng presyo bukas ng alas-6 ng umaga.

Pagtuntong ng alas-12:01 ng umaga magtataas ang ibang kumpanya ng petrolyo. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?