87
ABANTE fuel oil petrolyo gas price increase
Jan 7, 2019 @ 14:28
By

Presyo ng petrolyo muling tataas sa Martes

Magtataas ng presyo ang petrolyo bukas, Enero 8.

Tataas ng P0.80 kada litro ng gasolina habang P0.70 ang itataas ng presyo ng bawat litro ng diesel.

Tataas naman ng P0.40 ang bawat litro ng kerosene.

Nag-anunsiyo ng ganitong pagtataas epektibo sa Martes ng alas-6:00 ng umaga ang Shell at Petro Gazz.

Alas-12:01 ng madaling-araw naman ang umpisa ng mas mataas na presyo ng Caltex.

Ayon sa mga nabanggit, hindi pa ito epekto ng tinaasang excise tax sa petrolyo kundi epekto pa ng pagtataas ng presyo ng petrolyo sa world market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?