7
views
price-hike
By

Presyo ng petrolyo muling sisirit sa Martes

Sharing is caring!

Magtataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng petrolyo, epektibo bukas, Martes, Abril 16, magtataas ng P0.55 ang presyo kada litro ng diesel at P0.35 ang madadagdag sa presyo ng bawat litro ng gasoline.
Magtataas naman ng P0.80 ang presyo ng bawat litro ng kerosene.
Mababawi nito ang rollback nung Abril 10 na P0.30 sa diesel at P0.40 sa gasoline.
Tuwing Martes ang karaniwang pagbabago sa presyo ng petrolyo na nakasandig sa paggalaw ng presyo sa world market.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?