gasolina2
By

Presyo ng petrolyo may maliit na rollback

Sharing is caring!

Bahagyang bababa ang presyo ng petrolyo bukas, Martes, alas-6 ng umaga.

Nag-anunsiyo ang mga kumpanya ng petrolyo na magbababa ng P0.30 sa bawat litro ng gasolina at P0.30 rin sa bawat litro ng diesel.

Bababa naman ng P0.60 ang presyo kada litro ng kerosene.

Pinaka-unang naghayag ng pagbababa ng presyo ang Shell , Flying V, Sea Oil at Phoenix Petroleum.

Inaasahang susunod na ang iba pang kumpanya ng petrolyo.

Ang pagbaba ng presyo ay resulta ng pagbaba rin ng presyo nito sa world market.

Maliit ang pagbaba kumpara sa itinaas nitong mga nakaraang linggo.

Nung Martes ng nakaraang linggo, May 1, P0.85 ang itinaas ng presyo ng bawat litro ng gasolina at P0.70 ang itinaas ng presyo kada litro ng diesel.

Nagtaas din ng hindi bababa sa P0.50 ang presyo ng petrolyo noong Abril 24 at Abril 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?