10

By

Presyo ng petrolyo magtataas muli bukas

Sharing is caring!

Sisirit na naman ang presyo ng petrolyo bukas, Hulyo 3 ng alas-sais ng umaga.

Tataas ng P0.65 ang presyo kada litro ng gasolina habang P0.55 ang idadagdag sa presyo kada litro ng diesel.

Magtataas naman ng P0.70 ang bawat litro ng kerosene o gaas.

Nag-anunsiyo na magtataas ng presyo ang Shell, SeaOil, Flying V at Petro Gaz.

Inaasahan na mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng petrolyo hanggang mamayang hapon.

Ayon kay Eastern Petroleum Chairman Fernando Martinez, gumalaw pataas ang presyo ng petrolyo dahil sa tensyon ngayon sa Libya at Venezuela.

Dahil din umano sa oil export ban sa Iran ay bumaba ang imbentaryo ng petrolyo ng Amerika.

Hindi ito nakontra ng pinalakas nang oil production at oil export ng Saudi Arabia at Russia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?