88

By

Presyo ng petrolyo lalong sisirit sa pag-atake sa Saudi oil plants

Nitong Martes, Setyembre 17 ay nagkasa ng big-time price hike sa halaga ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Pero asahan pa umano na tataas ang presyo ng petrolyo matapos ang nangyaring pag-atake sa mga planta ng langis sa Saudi Arabia noong Sabado.

Sumampa agad sa 11 percent hike ang global oil prices matapos ang pag-atake, ayon sa stock brokerage Papa Securities.

Ang Saudi Arabia ang top supplier ng crude oil sa Pilipinas noong nakaraang taon, ayon sa Department of Energy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?