19

By

Presyo ng pangunahing bilihin hindi tataas dahil sa bagyo – DTI

Sharing is caring!

Makakaasa ang publiko na hindi dadagdag sa kalbaryo ng mga consumer ang presyo ng mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) sa paghagupit ng bagyong Ompong.

Ito ang tiniyak ni Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo sa Malacañang kasunod ng inaasahang pag-akyat ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

Ayon kay Castelo, hindi seasonal ang mga BNPC at hindi maaapektuhan ang mga ito kahit pa ulanin o arawin, hindi katulad ng mga agricultural product.

Kabilang sa mga ito ay mga pagkain de lata, instant noodles at, toyo, suka, patis at iba pa.

Hinimok ni Castelo ang publiko na magdasal na sana ay hindi magiging malaki ang pinsala sa mga produktong palay, mais at mag gulay para hindi magtaas ang presyo ng mga ito.

“For BNPCs, it’s not a seasonal product so hindi siya affected ng whether it’s raining or kung mainit na panahon. Pero ang agricultural products, we expect them to be affected kaya nga sana kung mapagdasal natin, because now kapag nag-uulan, automatic, top of mind, affected ang palay, ang rice fields natin,” ani Castelo.

Sinabi ng opisyal na awtomatikong babantayan nila ang galaw ng mga bilihin sa mga lugar na madadaanan ng bagyong Ompong para hindi makadagdag sa pasanin ng mga mamamayang maapektuhan ng kalamidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?