14

Jan 14, 2021 @ 14:57
By

Presyo ng mga in-order na mga COVID-19 vaccine babalatan sa Senado – Zubiri

Tatanungin ng mga senador sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole ngayong Biyernes sa mga opisyal ng gobyerno ang presyo ng mga bakunang kanilang in-order para sa national vaccination program laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senador Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa likod nang paggit ng mga awtoridad hinggil sa non-disclosure agreement sa mga vaccine manufacturer.

“They’re claiming kasi the non-disclosure agreement. ‘Yung non-disclosure agreement cannot be used for government funds because we have to properly account it,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa ANC.

“In the next hearing, I think tomorrow, either in an executive session—so that they don’t violate their non-disclosure agreement—we’re going to ask them to disclose the prices of the purchase of the vaccines,” dagdag pa nito.

Nababawala si Zubiri na sinelyuhan na ng Department of Health ang kasunduan sa pagbili nsa bakuna sa China-Sinovac kahit na 50.4 porsiyento lang ang efficacy rate nito sa Brazil.

“If you look at face value, ang commercial prices of these vaccines, pinakamahal po ang Sinovac,” sabi ni Zubiri, kaugnay ng P3,800 na presyo ng Sinovac.

Hinikayat naman nito ang Food and Drug Administration na madaliin ang pag-apruba para sa lokal na konsumo ang mga bakunang gawa sa US at UK.

“We want to make sure that those who apply lalong lalo na pag ginagamit ito sa mga bansang tulad ng Estados Unidos, wala na pong cheche bureche, diretso na po ang approval nito,” ani Zubiri.

“Kung ginamit na po iyan ni Queen Elizabeth, and then you’ll have Pope Francis being inoculated with these vaccines also, so dapat ‘yan automatic na ‘yan,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?