58

Oct 16, 2021 @ 16:16
By

Presyo ng mga gulay sisirit

Inaasahang tataas ang presyo ng mga gulay sa National Capital Region dahil sa problema sa suplay nito dulot ng bagyong Maring, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“Definitely, kapag nabawasan ang yield dahil natamaan ng bagyo ay tataas ang price points ng ating mga gulay,” lahad ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista sa Laging Handa public briefing.

Para maiwasan ito, naghahanap na umano ang DA ng mga alternatibong mapagkukunan ng gulay tulad ng Region 3 upang madagdagan ang suplay sa Metro Manila.

“Basically, we are augmenting [supply] from different regions to make sure na hindi masyadong gumalaw ang presyo ng gulay para sa ating consumers.

“‘Yung dating galing sa Region 2, per se, maghanap na ng ibang mga lugar na nagtatanim ng lowland vegetables para mapunuan ang pangangailangan ng gulay dito sa Metro Manila,” ani Evangelista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?