1,896

Dec 31, 2017 @ 15:34
By

Presyo ng mga bilog na prutas, tumaas

Dagsa na ang mga mamimili sa ilang pamilihang bayan sa lungsod ng Maynila ngayong bisperas ng Bagong Taon.

Kabilang sa dinagsa ay ang Altura Market sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila para bumili ng mga pampaswerteng prutas sa Bagong Taon.

Ayon sa ilang tindera, nagsimulang magsidatingan ang mga mamimili alas singko y medya pa lang ng madaling-araw.

Sa araw ng Bisperas ng Bagong Taon, tumaas pa ang presyo ng mga pangunahing prutas sa merkado.

Sunkist – 25 pesos kada piraso, dating P15 hanggang P20

Kiat-kiat – P100 kada kilo na dating P60

Ponkan – P20 kada 3 piraso na dating limang piso kada piraso

Ubas – P250 kada kilo na dating 180

Longgan – P300 na kada kilo na dating 180

Melon – P30 hanggang P60 na dating P40

Watermelon – P150 hanggang P180 na dating P130

Peras – P25 dating P15 hanggang P20

Pineapple – P30 ang maliit habang P100 naman ang malaki na dating P50.

Maliban dito, nagdagdag pa ng prutas na binebenta para samantalahin ang dami ng mga bibili nito ngayong Bagong Taon.

Isa dito ang Mansanas kung saan pumapatak ang presyo sa sampu hanggang bente pesos kada piraso.

Paliwanag nito, malaki ang pagbabago sa mga presyo dahil sa dami ng mamimili at posibleng makulangan ng suplay.

Sa kabila ng pagtataas ng presyo, malakas pa rin aniya ang bentahan bunsod na rin ng sinusunod na tradisyon ng mga Pilipino na pagbili ng 12 hanggang 13 uri ng prutas na bilog sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Maliban naman sa mga prutas, patok na rin ang bentehan ng torotot.

Nagkakahalaga ang maliit na torotot ng bente pesos habang P60 naman ang malaki. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?