65

Sep 19, 2018 @ 14:31
By

Presyo ng mga bilihin hindi dapat pinasisirit – DILG

Ibinahagi ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan ang kanilang Local Price Coordinating Councils para mabantayan ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Interior Usec for Peace and Order Bernardo Florece Jr., dapat na regular na mainspeksyon ang presyo ng mga bilihin sa kanilang lugar ang konseho.

Aniya magandang depensa ito o para maiwasan na magsamantala ang mga negosyante dahil sa sitwasyon.

May kapangyarihan din ang konseho na atasan maging ang mga opisyal ng barangay na magbantay-presyo, gayundin ang non-government units.

Sinabi pa ni Florece na partikular na dapat tutukan ay ang suplay at halaga ng bigas.

Kung anuman, aniya ang magiging resulta ng inspeksyon ay dapat ipasa sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, kasama na ang Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?