161

Dec 5, 2017 @ 16:46
By

Presyo ng manok, hindi tumaas – DTI

Iinihayag ng Department of Trade and Industry na hindi nagtaas ang presyo ng manok kundi bumalik lang ito sa dating presyo bago tumama ang Avian flu outbreak sa Central Luzon.

Ayon kay Trade Usec. Teodoro Pascua, ang presyo ng manok ngayon na P130 hanggang P150 kada kilo ay ang presyo ng manok bago manalanta ang Avian flu virus may ilang buwan na ang nakakalipas.

Sinabi pa ni Pascua na ang mga pahayag ng mga nagtitinda ng manok na posibleng tumaas pa ang presyo ng manok ngayon Kapaskuhan ay maaring sariling diskarte na lang nila para makabawi sa naging matumal na benta bunga ng bird flu outbreak.

Sinabi pa ng opisyal patuloy silang nakikipag ugnayan sa Department of Agriculture para sa presyo at suplay ng manok ngayon holiday season. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?