29
marawi
By

Presyo ng lupa sa Marawi, tumaas – NEDA

Sharing is caring!

Sinasamantala umano ng mga may-ari ng lupa sa Marawi City ang presyuhan sa kanilang lupa para pagtayuan ng permanent housing program para sa mga mahihirap na residenteng biktima ng giyera.

Sa press briefing ng Task Force Bangon Marawi sa Malacanang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Adoracion Navarro na umaabot ng hanggang P5,000 per square meter ang presyo ng lupang ibinebenta ng mga land owners, sampung beses ang itinaas mula sa dating P500 per square meter.

Pero sinabi ni Navarro na isang beses lang nila itong nabalitaan at wala naman aniyang developer na kumagat sa mataas na presyo.

Ayon sa opisyal, mayroon talagang nagsasamntala kapag mayroong naganap na kalamidad na agad namang nagagawan ng paraan.

“May mga asking price na P 5,000 per square meter, pag disasters may mga nagte take advantage, for example sa pricing of goods, pricing of land.Actually it’s the TF chair which noticed that sa one PPA (programs, projects and activities), so hindi ko… Hindi naman indicated there kung ilang land owners, but the response kasi of the agency after asking na about it bakit yun ang assumption, the response of the agency is NHA is because of that speculative activity,” ani Navarro.

Sa kabila ng ganitong hamon, sinabi ng opisyal na “on track” ang gobyerno sa isinusulong na rehabilitasyon ng Marawi at tinatapos na aniya ang negosasyon sa initial developer bago simulan ang swiss challenge system para sa rehabilitation projects sa Marawi City.

Mag-iisang taon sa May 23 ang Marawi siege subalit wala pang naitatayong permanent housing para sa mga biktima ng giyera ang Task Force Bangon Marawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?