26

Oct 11, 2021 @ 16:30
By

Presyo ng langis tataas ulit sa Martes

Nakatakda ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa ilang kompanya ng langis ngayong Martes.

Nag-abiso ang Caltex, Shell at Seaoil na magtataas sila ng P1.30 sa kada litro ng gasolina, P1.50 kada litro ng diesel at P1.45 sa bawat litro ng kerosene.

Ganito rin ang magiging taas-presyo ng gasolina at diesel sa Cleanfuel at Petro Gazz.

Samantala, habang sinusulat ang storyang ito ay wala pang abiso ang ibang kompanya ng langis.

Ang Shell, Seaoil at Petro Gazz ay magtataas ng presyo bandang alas-6:00 a.m. ng umaga sa Martes, habang ang Caltex ay sa dakong alas-12:01 a.m. ng madaling araw at alas-4:00 p.m. naman ang Cleanfuel.

Ito na ang ikapitong sunod na linggo ng taas-presyo ng produktong petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,