65

Oct 13, 2021 @ 22:12
By

Presyo ng kuryente ibababa ni Isko

Bukas si Manila Mayor Isko Moreno sa pagsasaliksik ng langis sa West Philippine Sea kasama ang China, na magagamit aniya para mapababa ang halaga ng kuryente sa bansa.

“If I can utilize those, I will do that. Prinoteksyonan ko interes ng Pilipino,” wika niya sa Kapihan sa Manila Bay Forum nitong Miyerkoles.

“We don’t have an engineering facility to dig oil? Then we dig with them: Private sectors in the country and private sectors in China,” dagdag niya.

Kung makakakuha aniya ang Pilipinas ng 40 porsiyento sa nakolektang langis, 20% ay dapat ibenta sa mga lokal na oil player upang mapababa ang halaga ng kuryente sa Pilipinas.

Ang kalahati naman aniya ay ibebenta sa iba, para naman mapondohan ang upgrade sa mga maritime vessel ng bansa.

Dagdag niya, kapag nagmura ang kuryente ay magiging competitive ang Pilipinas dahil marami aniyang investor ang mas pinipili ang Malaysia at Vietnam dahil mura ang kuryente roon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?