203
ABANTE frozen meat nmis
By

Paglobo sa presyo ng pork, isinisi sa mga nai-istroke na baboy

Kung noong isang linggo ay manok, ngayong linggo naman ay nagtaas na rin ng presyo ang karne ng baboy sa mga pamilihan.

Katunayan, tumaas ng mula P10-P20 kada kilo ang mga ibinebentang karne ng baboy sa ilang malalaking palengke sa Metro Manila kabilang sa Mega Q-Mart at sa Commonwealth Market.

Isinisi ng mga retailer at mga meat dealer ang taas-presyo sa manipis na suplay ng baboy ngayong summer.

Tulad kasi ng mga manok, nangangamatay din ang mga baboy dahil sa mainit na panahon.

Naka-apekto din sa mababang suplay ang virus na tumama sa mga baboy mula Agosto noong nakaraang taon hanggang nitong Pebrero, ayon sa Bureau of Animal Industry.

Ubos na rin ang mga murang baboy mula sa mga backyard piggery kaya napipilitan ang mga tindero na bumili ng mas mahal na baboy mula sa malalaking swine farm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?