49

Jun 24, 2022 @ 18:28
By

Presyo ng itlog nagmahal sa pamilihan

Tumaas na rin ang presyo ng itlog ng manok sa ilang pamilihan, ayon sa Department of Agriculture at United Broiler Raiser’s Association.

Marami kasi umano sa mga egg producer ang nalugi dahilan para tumigil ang mga ito sa pagbebenta.

Ito ay dahil sa nagmahal na ang gastusin sa pag-aalaga ng manok.

Dagdag pa riyan, nagmahal na rin umano kasi ang presyo ng petrolyo na kailangan upang maihatid sa palengke ang mga manok.

Batay sa Philippine Egg Board, mula sa dating P4 bawat pirasong itlog sa palengke ay umakyat na ito sa P4.80 hanggang P7 depende sa laki nito.

“Mataas nga ang presyo ng patuka, pataas nang pataas, nag-iingat lahat ngayon ‘yung mga producer. ‘Yung iba ay nagbabawas, ‘yung iba ay tumigil,” pahayag ni United Broiler Raiser’s Association President Bong Inciong sa Saksi.

“Mahabang panahon na ang egg industry [ay] lugi… marami ang tumigil. Ganu’n naman ‘yun, ‘pag nalugi ay titigil o magbabawas para makatawid,” dagdag pa ni Inciong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?