127

By

Presyo ng ilang noche buena goods, tumaas

Sharing is caring!

Limang linggo bago sumapit ang araw ng Pasko, tumaas na ang presyo ng ilang pagkaing tampok sa Noche Buena, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade Asst. Dir. Lilian Salonga, nagdagdag ng presyo sa ilang brand ng hamon, queso de bola at maging ang fruit cocktail.

Aniya sa hamon mula P5 hanggang P11 ang pagtaas sa presyo.

Katuwiran nito, mataas ang demand sa hamon tuwing Pasko ngunit aniya may iba pang dahilan ng pagtaas sa presyo ng tinaguriang ‘Star of the Noche Buena,’

Samantala, wala pa naman paggalaw sa presyo ng spaghetti noodles, macaroni at gatas kondensada.
Nauna nang tumaas ang presyo ng manok at bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?