5
isda

Presyo ng ilang isda, tumaas dahil sa malamig na panahon

Sharing is caring!

Nagtaasan ang presyo ng ilang mga isda dahil umano sa malamig na panahon kung saan kaunti ang nahuhuli ng mga mangingisda.

Sa ulat ng DZMM, kabilang sa mga isdang nagmahal ay ang galunggong na P160 kada kilo na, mula sa dating presyo na P140 habang ang tilapia ay nasa P120 kada kilo, na dating P100.

Ayon sa mga tindera sa Kamuning Market sa Quezon City, dahil sa malamig ang panahon kaya kaunti ang mga huling galunggong at tilapia.

Samantala, bagsak presyo naman ang mga seasonal seafoods gaya ng lapu-lapu na dating P400 kada kilo noong holiday season, ngayon ay P320 na lang.

Maging ang presyo ng hipon kada kilo na dating P650, ngayon ay P480 na lang.

Malaki rin ang ibinaba ng halaga ng tanigue na mula sa P800 ay naging P450 na lang.

Bumaba rin ang presyo ng buong manok na mula sa P170 noong Pasko at Bagong Taon ay P140 na lang ibinebenta ngayon.

Nagbabala naman ang ilang tindera na maaaring tumaas ng P2 kada kilo ang presyo ng bigas sa susunod na linggo dahil sa TRAIN law na maaapektuhan ang delivery truck ng dagdag presyo sa petrolyo.

Sa ngayon ay normal ang presyo ng bigas, P39-P40 kada kilo ang pinakamura habang P52 ang premium rice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?