138

Dec 31, 2017 @ 15:18
By

Presyo ng gasolina tataas sa susunod na linggo — DOE

Humanda sa panibagong pagtaas sa presyong gasolina sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), magtataas sa presyo ng gasolina ng P0.15 kada litr, P0.60 sa diesel at P0.55 naman sa kerosene.

Ang posibleng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod sa pagtaas ng presyo nito sa international oil trading.

Inaasahang ipapatupad ang price adjustment sa Martes sa susunod na linggo. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?