39

Dec 15, 2019 @ 14:49
By

Presyo ng gasolina, sisirit

Nakaamba sa Martes ang pagpapatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Base sa abiso ng Shell, magkakaroon ng dagdag na P0.60 sentimo sa kada litro ng kanilang kerosene habang nasa P0.40 sentimo naman ang itataas ng kada litro ng kanilang diesel.

Walang namang pagbabago sa presyo ng kada litro ng gasoline na possible lang bumaba ng P.10 sentimo.

Ang pagtaas ng presyo ng krudo ay base sa report ng International World Market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?