7
petrolyo

Presyo ng gasolina, diesel, kerosene tataas ng P1

Sharing is caring!

Sisirit ang halaga ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., tataas ang kada litro ng diesel nila ng P1.15, habang P1.60 naman sa gasolina, at P1.00 sa kerosene o gaas.

Epektibo ito ng alas-sais ng umaga sa Martes, Mayo 22.

Wala namang abiso pa ang ibang kumpanya ng langis hinggil sa price adjustments ng kanilang produkto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?