30

Dec 25, 2017 @ 11:30

Presyo ng gasolina bababa; diesel, kerosene tataas

Inaasahang magbababa ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo subalit magtatas naman ang presyo ng diesel at kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa kanilang consumer price advisory, sinabi ng DOE na bababa sa P0.25 per liter ang presyo ng gasolina na inaasahang ipatutupad ngayong araw ng Martes.

Ang presyo naman ng diesel at kersone ay magtataas ng konti ng P0.05 kada litro.

Ang pagtaas ay bunsod na price adjustment sa huling international oil trading.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?