46

Nov 27, 2017 @ 17:35
By

Presyo ng diesel, kerosene tataas ulit

Magtataas bukas, araw ng Martes, ang presyo ng diesel at kerosene habang hindi naman gagalaw ang presyo ng gasolina.

Batay sa abiso ng mga kumpanya ng petrolyo, tataas ng P0.35 ang presyo bawat litro ng diesel.

Madaragdagan naman ng P0.25 ang presyo kada litro ng kerosene.

Epektibo ang pagtataas ng presyo ng Flying V ngayong Martes, Nobyembre 28, sa alas-12:01 am.

Alas-6 naman ng umaga mag-uumpisa ang mas mataas na presyo ng Shell, Seaoil, Eastern Petroleum at PTT.

Ang pagtataas ng presyo ng petrolyo ay bunsod ng pag-akyat ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?