470

Oct 29, 2017 @ 10:10

Presyo ng bulaklak sa Dangwa, sumirit na

Pumalo na sa mataas na presyo ang halaga ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Maynila dalawang araw bago ang Undas.

Itoy ay dahil  sa malaking demand o pangangailangan ng mga mamimili, tumaas na ang presyo ng mga bulaklak.

Pinakamalaking pinagbago ang presyo ng rosas na P100 ang itinaas ng bawat dosena. Mula sa dating P150-P180/dosena ngayon ay nasa P250 na ang presyo nito.

Ang Asters naman na dating P100/bundle ay P150 na. Mabibili naman ang Stargazers mula sa 150 kada stem mula sa dating P130.

Mahigit P20  naman ang nadagdag sa presyo ng Gerberas na dating P180 kada bundle pero ngayon ay P200 na.

Ang Malaysian Mums – mula sa P170/bundle ngayon ay P180 na,a ng Carnation – P200/bundle na ang presyo na dating P180, White Orchids – P480-P500/bundle habang ang Violet Orchids naman ay P450 bawat bundle.

Inaasahang tataas pa ito sa mismong araw ng Undas, sabi ng mga tinder ng mga bulaklak sa Dangwa. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?