176

Oct 3, 2017 @ 17:24

Presyo ng bilihin sisirit sa tax reform ni Duterte

Nagbabalawa Senador Bam Aquino na ang mahihirap na Pilipino ang masasapul ng dagdag presyo sa mga bilihin sa gitna ng napipintong pagpapatupad ng tax reform program.

Binigyang-diin ni Aquino na dapat magkaroon ng epektibong mekanismo ng cash transfer program para sa mahihirap bago ipatupad ang dagdag presyo sa mga bilihin sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).

Ipinaalala ng senador na mahalaga ang cash transfer program upang maayudahan ang mahihirap na pamilya na makaagapay sa pahirap ng dagdag presyo.

Target ng cash transfer program ng gobyerno ang 4.4 milyong pamilya na kasalukuyang sakop ng Pantawid Pamilya Pilipino Program at ang dagdag na 5.6 milyon pang pamilya.

Alinsunod sa bersyon ng senado, ang mahihirap na pamilya ay bibigyab ng P300 kada buwan sa loob ng tatlong taon.

“Ang mahihirap na Pilipino ang matatamaan ng pagtaas ng presyo dahil sa tax reform,” giit ni Aquino.

Inirekomenda ni Aquino na dapat munang tiyakin ng mga implementing government agencies tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakaroob ng epektibo at transparent na sistema. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?